800 ISKOLAR NG KAPITOLYO MULA SA APAT NA BAYAN, LUNGSOD, NAKATANGGAP NG EDUCATIONAL ASSISTANCE

Natanggap na ng halos 800 iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija mula sa apat na bayan at lungsod ang kanilang allowance para sa 1st semester sa ginanap na Stipend Distribution noong May 6 at 13, 2023.

Ayon sa datos ng PAMO, 235 na estudyante ang nabigyan sa bayan ng Laur, 198 sa Gabaldon, 139 sa Talavera, at 207 sa Palayan City .

Bawat scholar ay nakakuha ng tig P2,500 mula sa pondo ng kapitolyo na kanilang magagamit sa mga pangangailangan sa pag-aaral.

Malaking tulong ang educational financial assistance para magkaroon sila ng pambaon at pamasahe papuntang eskwelahan at sa iba pang mga bayarin sa eskuwela.

Pasasalamat ang ipinaabot ni Christine Perez,1st year college student sa NEUST Talavera sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno nina Governor Aurelio “Oyie” UMali at Vice Governor Doc Anthony Umali, dahil abot kamay na ang kanilang pangarap dahil sa tulong na natanggap.

Malaking tulong umano ito sa kanyang pag aaral na ang tanging tumataguyod ay ang kanyang nakakatandang kapatid.

Pasasalamat din ang ipinaabot nina John Louie Vicente, Maria Lennixe Salgado, sa kanilang natanggap na assistance para sa kanilang pag-aaral.