CLSU GRADUATE, PASOK SA TOP 10 NG LICENSURE EXAMINATION FOR PROFESSIONAL TEACHERS
Tuwa at pagkagulat ang naramdaman ni Theresa Dangkulos nang lumabas ang resulta ng Licensure Examination for Professional Teachers (LET) in Secondary Level noong May 19, 2023 dahil hindi lamang siya nakapasa kundi pasok pa sa Top 10 at may rating na 91%.
Nagtapos bilang Magna Cum Laude si Dangkulos sa Central Luzon State University, Science City of Muñoz noong nakaraang taon sa kursong Bachelor of Secondary Education, Major in Mathematics.
Ayon kay Dangkulos, limang buwan siyang naghanda para sa LET at pumasok sa isang review center noong buwan ng Nobyembre hanggang mag-exam siya nitong March 19.
Para kay Dangkulos, malaking tulong ang pagseset ng schedule ng mga dapat aralin upang hindi ma-overwhelm sa dami ng dapat ireview.
Bukod dito, hindi rin daw nakukuntento si Dangkulos sa mga materials kaya naman lagi siyang naghahanap ng mga videos at ibang babasahin patungkol sa topic.
Payo ni Dangkulos sa lahat ng mga mag-eexam kailangan lang ng matinding paghahanda upang magkaroon ng magandang resulta.
Nagpapasalamat si Dangkulos sa Diyos, sa kanyang pamilya, mga kaibigan, sa pinanggalingang eskwelahan, sa mga review centers at youtube channels na kanyang naging kasangga noong siya ay naghahanda para sa LET.