SENSITIBONG BALITA
TATLONG MENOR DE EDAD, NAGBEBENTA UMANO NG DROGA ARESTADO SA TALAVERA
Timbog ang tatlong menor de edad sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation sa Barangay Pagasa, Talavera, Nueva Ecija noong May 20, 2023.
Base ulat ng kapulisan ang tatlo ay pawang mga residente ng Barangay Dolores, Sto. Domingo, Nueva Ecija.
Naakumpiska umano sa kanila ang anim na gramong Marijuana na may street value na P1,500.00 at isang piraso ng 500-peso bill na ginamit bilang marked money sa buy-bust.
Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11 ng Article II ng RA 9165.