SENSITIBONG BALITA
LALAKING MAY PATONG-PATONG NA WARRANT, NAHULI NG NUEVA ECIJA POLICE
Kulong ang isang 37-year old na lalaki na may outstanding warrants sa isinagawang Manhunt Charlie Operation sa Marriott Hotel, Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga noong May 27, 2023.
Sa pahayag ni Nueva Ecija Police Director Richard V. Caballero, inaresto ang akusado ng pinagsanib puwersa ng Cabanatuan City Police Station, CIDG Nueva Ecija, at iba pang police units.
Nahaharap ito sa patong-patong na kaso ng paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions na may inirekomendang piyansa na P120,000.00, Estafa Through Falsification of Public Documents na may kabuuang Php72,000.00 na piyansa, at dalawang bilang ng Usurpation of Authority o Violation of Art. 177 of the RPC, As Amended na may recommended bail na aabot sa P50,000.00 kada bilang.