MAYOR, HINIKAYAT NA IMBESTIGAHAN NG KONGRESO ANG MGA SUBSTANDARD NA PROYEKTO
Hinikayat ni Baguio Mayor Benjamin Magalong ang mga mambabatas na imbestigahan ang mga substandard na public works projects sa kanyang lungsod gayundin sa iba pang lugar sa bansa kasunod ng pagbagsak ng road slope protection sa kahabaan ng Kennon Road na naging dahilan upang hindi madaanan ang lugar.
Sinabi ni Magalong na ito na ang pagkakataon upang magsalita at lutasin ang maraming bagay na nangyayari sa mga pampublikong gawain lalo na ang mga pinamumunuan ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Suportado naman ng ilang alkalde ang panawagan ni Magalong upang aksyunan ito ng kongreso para sa kapakanan na rin ng publiko.
Sa kabila ng mga pagsisikap na pahusayin ang Kennon Road at panatilihin itong madaling mapuntahan, ito ay regular na sarado dahil sa masamang panahon, kasama ang pinakahuling insidente noong Mayo 9.
Ang DPWH ay siyang nangangasiwa para sa rehabilitasyon ng kalsada sa ilalim ng Republic Act 11604 na inakda ni Baguio representative Mark Go.