LIBRENG SAKAY SA MGA LET PASSERS, EDUCATION STUDENT SA BAGUIO, VIRAL SA SOCIAL MEDIA
Patuloy na umaani ng libo-libong reactions at comments ang post ng isang 2nd year Education student na si Danica Tamsi Padilla ng Benguet State University, na nag-flex sa isang taxi driver sa Baguio City dahil sa libreng pagpapasakay nito sa kanila.
Ayon kay Danica, umuulan noong panahon na iyon habang nag-aabang sila ng kanyang kapatid ng masasakyan sa Legarda Road nang dumating ang taxi driver na si Joey Medina na nagbaba ng pasahero.
Umagaw ani Danica sa kanilang pansin ang nakapaskil sa taxi ni Mang Joey na “Free Ride for teachers and student teachers” dahil nakapasa ang kanyang asawa sa Licensure Examination for Teachers.
Ipinangako daw kasi ng asawa ni Mang Joey na kapag nakapasa ito sa naturang eksaminasyon ay siya ang magbabayad ng metro ng kanyang mga pasahero na nakapasa sa LET, mga guro o kasalukuyan palang kumukuha ng kursong education.
Sinabi ni Danica na proud siya kay Mang Joey dahil sa kabutihan nito dahil ilang ulit na rin daw kasi siyang nakaranas na matanggihan ng mga taxi drivers lalo na kapag oras na ng pananghalian.
Ipinost nito ang kabutihan ni Mang Joey sa katuwaan at pasasalamat niya na may mga tao pa palang handang gumawa ng kabutihan sa kapwa nang walang hinihinging anumang kapalit.
Naging inspirado din aniya siya na mag-aral mabuti dahil sa ibinahaging kwento sa kanila ni Mang Joey tungkol sa hirap na dinanas ng kanyang asawa sa pagtuturo.
Mensahe ni Danica sa mga taxi drivers na tumatanggi daw magsakay ay magbigay sana ng paliwanag kung bakit hindi sila maaaring maisakay ng mga ito upang maunawaan sila ng mga commuters na kagaya niya.