PAGSISIKAP AT PANANAMPALATAYA, NAGING SUSI NI ATTY. CATHERINE NAD SA TAGUMPAY
Ibinahagi ni Atty. Catherine Nad sa May 27 episode ng programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman ang kanyang naging paglalakbay sa kanyang buhay bago siya tuluyang naging isang abogado.
Sa panayam ni Dra. Kit at guest co-host SF dela Peña kay Atty, Catherine, sinabi nito na kinailangan niyang pag sabayin ang pagiging isang ina at pag-aaral ng abogasya katuwang ang kanyang mister.
Bagaman nagsisikap ay dalawang beses pa bumagsak sa bar exam si Atty. Catherine na kanyang ikinalungkot.
Dahil sa delay ng kanyang pagkaka pasa sa bar exam ay mas lalo silang napalapit sa Panginoon, bagay na hindi mangyayari aniya kung siya ay nakapasa agad.
Ngayon ay isa nang ganap na Abogado si Atty. Catherine at bago matapos ang programa ay nagbigay din siya ng payo sa mga kapwa mga estudyante ng kursong abogasya.