PBBM, ITINATAG ANG INTER-AGENCY COMMITTEE, PARA BANTAYAN ANG TAAS PRESYO NG PAGKAIN AT PETROLYO
Iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbuo ng inter-agency task force para mapahusay ang mga inisyatiba sa pagpapalakas ng ekonomiya at matugunan ang problema sa inflation.
Ang direktiba ay nakapaloob sa pinirmahan ng Pangulo na Executive Order No. 28 Pangulo noong May 26, 2023.
Ayon sa Presidential Communications Office, ang Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook ang magsisilbing advisory body sa Economic Development Cluster (EDC) na nagsusulong ng mga hakbang upang hindi tumaas ang presyo ng mga bilihin lalo na sa pagkain at Petrolyo at mapanatili ang inflation target.
“Ang paglikha ng isang advisory body sa EDC ay nakatalaga upang direktang tugunan ang inflation, magpapalakas sa EDC at magpapatibay sa mga umiiral na inisyatiba ng pamahalaan na naglalayong mapabuti ang ekonomiya at kalidad ng buhay ng mga Pilipino
Kabilang sa tungkulin ng Inter-Agency Committee ay ang mahigpit na pagmonitor sa inflation, partikular sa pagkain at enerhiya, i-assess ang sitwasyon ng supply and demand lalo na sa panahon ng anihan at regular na pagmonitor sa mga datos.
Inaatasan din ng Pangulo ang IAC-IMO na magsumite ng quarterly report sa NEDA hinggil sa sitwasyon ng pagkain at enerhiya kakabit ang mga rekomendasyon para mapangasiwaan ang inflation sa bansa.
Magiging chairman ng inter-agency committee ang Secretary ng National Economic and Development Authority (NEDA), co-chairman naman ang kalihim ng Department of Finance, vice-chairman naman ang kalihim ng Department of Budget and Management at miyembro naman ang mga kalihim ng
Department of Agriculture, Department of Energy, Department of Science and Technology, Department of Trade and Industry at Department of Interior and Local Government.