Ibinahagi ng dalagang introvert na si Janica Tagaza sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman ang kanyang testimonya ng pagpapala ng Panginoon.

Kwento nito, dahil sa pagkilos ng Panginoon sa kanyang buhay sa kabila ng pagiging introvert ay inilagay siya sa ministry na humaharap sa maraming tao katulad ng preacher, leader sa dance ministry at bible study.

Nakapagtapos ng pag-aaral si Janica noong April 2019, at nito lamang nagdaang Disyembre, ay inilabas ang resulta ng kanyang board exam kung saan pumasa siya at ganap nang lisensyadong Radio Logic Technologist.

Noong una aniya ay nais niya ang kursong Tourism, ngunit habang pinag-aaralan ang RadTech ay minahal na rin niya ito at ipinagpatuloy.

Marami rin umano siyang napagdaanan katulad na lamang noong hindi niya naipasa ang kanyang una at pangalawang subok sa pagkuha ng exam.

Ngunit hindi aniya siya natakot na mulong sumubok, at sa tulong ng Panginoon ay nalagpasan niya ang lahat at nakamit ang inaaasam na tagumpay.

Ayon kay Janica, maliban sa panalangin ay malaking tulong din ang nabasa niya sa bibliya na siya niyang pinanghawakan.