LATO-LATO, BAGONG LARONG KINAGIGILIWAN NGAYON NG MGA NETIZEN
Umabot na sa mahigit isang milyong reactions, mahigit 11, 000 shares at higit 22 million views, ang inupload sa Tiktok ni Resielsison14 kung saan tampok ang kanyang pamangkin na tinagurian niyang Lato-lato master ng Pampanga.
Bumilib ang mga netizens sa husay ng bata sa paglalaro nito na umabot ng apat na minuto.
Umani ng mga nakatatawang comments ang video ni Resielsison14, ayon sa mga comments “dito samin kahit tulog na lato lato”, ang isa naman ay nagsabing “sana all marunong ng lato lato”, may nagcomment naman ng “laruan namin dati yan noong 90s bakit di naman nag trending”, sinabi naman ng isa “nah look at his face his bored” na may kasamang laughing emoji.
Nauuso ngayon hindi lamang sa mga kabataan ang old-school na laruang lato-lato at nagsilitawan ang mga videos sa social media tulad ng Facebook at Tiktok.
Marami nga ang sumubok maglaro ng lato lato kung saan nakakabit ang dalawang bola sa magkabilang dulo ng isang tali na kinakailangang pag-untugin ng paitaas at paibaba.
Sinasabing ang lato-lato ay natagpuan sa Indonesia ngunit unang lumitaw umano noong 1960s at naging popular noong 1970s sa Amerika sa tawag na “clackers”.
Lumitaw ang lato-lato bilang armas sa anime na Jojo’s Bizarre Adventure.