BABALA!!! SENSITIBONG BALITA:
2 SUSPEK UMANO SA ILIGAL NA PAGBEBENTA NG BARIL, DINAKIP; NAHULIHAN NG P500K NA HALAGA NG DROGA
Nahuli ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal na umano’y sangkot sa ilegal na kalakalan ng baril sa San Fernando City, Pampanga noong January 6, 2024.
Kinilala lamang ang mga suspek sa pangalang “Pakyaw” at “Jess” na naaresto ng mga operatiba ng San Fernando Police Station sa Brgy. Sindalan.
Nakumpiska umano sa mga ito ang humigit-kumulang 70 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng halos kalahating milyong piso at isang calibre 9mm (grease gun) na kargado ng anim na mga bala.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 & 11 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).