SENSITIBONG BALITA
TOP 5 MOST WANTED PERSON PARA SA KASONG RAPE SA CUYAPO, KULONG
Naghihimas ngayon ng rehas ang tinaguriang Top 5 Most Wanted Person para sa kasong rape sa bayan ng Cuyapo sa inilunsad na Manhunt Charlie Operation ng Nueva Ecija Police noong June 1, 2023.
Kinilala ni PCOL RICHARD V CABALLERO, Provincial Director, NEPPO ang suspek na si alias @KARDO, 53 years old, at residente ng Barangay San Antonio ng nasabing bayan.
Ang akusado ay nasa kustodiya ngayon ng Cuyapo Police na may recommended bail of Php200,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.