$3 MILLION, NAIBENTA ANG 1992 OLYMPIC JERSEY NI MICHAEL JORDAN
Naibenta ng mahigit $3 milyon dolyar o katumbas sa Php 150 Million sa pera natin , ang jersey na isinuot ni basketball star Michael Jordan noong 1992 Summer Barcelona Olympics sa isang auction
Ang jersey ay isinuot ni Jordan sa semi-final round laban sa Lithuania.na kung saan tinambakan nila ito ,at ang naturang jersey ay may mga pirma pa ito ng lahat ng 12 miyembro ng koponan.
Nagsama-sama noon sa olympics ang US. basketball team, na binansagang “The Dream Team”, kasama ni Jordan si Larry Bird ,Karl Malone, Magic Johnson,Patrick Ewing,at Charles barkley
Nauna nang naibenta noong 2022 ang isa pang jersey ni Jordan na nagkakahalaga ng $10.1 million o mahigit sa kalahating Bilyong Peso, na isinuot naman nito sa opening game ng 1998 NBA Finals klaban ang Utah jazz at itinuring na pinakamahal na game-worn sports memorabilia sa buong kasaysayan.