BUHAY NI FORMER ISABELA GOVERNOR GRACE PADACA, TAMPOK NA ISTORYA SA COUNT YOUR BLESSINGS

Isinalaysay ni Former Governor of Isabela na si Honorable Grace Padaca sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman

Ang kanyang naging buhay mula sa isang mahiyaing batang dinapuan ng sakit na polio hanggang sa maging kauna-unahang babaeng Gobernador ng Isabela.

Sa panayam ni Dra. Kit at guest co-host Joy Senados sinabi ni Former Governor Grace na dahil sa kawalan ng bakuna sa polio ay tinamaan siya ng sakit na ito na naging dahilan upang maging mahiyain siya noon.

Isang masipag at matalinong estudyante na natapos bilang Magna Cum Laude at isang CPA na naging isang broadcaster, dito nakita ni Former Governor Grace ang kanyang pagnanais na tumulong sa kanyang mga kababayan.

Hanggang sa dumating ang eleksyon kung saan nanalo bilang unang babaeng Gobernador ng Isabela si Grace Padaca.

Ayon kay Former Governor Grace, kapag siya ay tinatanong ng tungkol sa kanyang sarili at prinsipyo, lagi siyang ready na sagutin ito.