PARA SA LOLO, NOVO ECAIJANA NAGTAPOS NG MAGNA CUM LAUDE, TOP 3 PA SA CPA LICENSURE EXAMINATION

Pagkalipas ng labing apat na taon ay natupad din sa wakas ng Novo Ecijanang si Queen Ernna Vergara ang ipinangako niya sa kanyang namapayang lolo na makapagtapos ng pag-aaral.

Nagtapos siya bilang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Accountancy sa Polytechnic University of the Philippines-Manila.

Inabot ang diploma ng may mataas na karangalan noong nakaraang taon at ngayon naman ay inulan ng congratulatory greetings dahil pumangatlo siya sa Topnotchers sa Certified Public Accountancy Licensure Examination na may average na 89%.

Dumaan man aniya siya sa napakaraming hirap, pagsubok, at pagdududa na baka hindi siya makapasa dahil sa mababang passing rate ng mga kumukuha ng naturang eskaminasyon ay naging sandigan nito ang ipinangako sa kanyang lolo at kagustuhang maibalik sa mga magulang ang mga pagsisikap nila para sa kanyang pag-aaral.

PItong buwan aniya ang ginawa niyang preparasyon para sa exam at nagpapasalamat siya sa kanyang bestfriend na kasama niya sa pagrereview at kasama din niyang nakapasa.

Hindi rin niya inaasahan na mapapabilang siya sa mga topnotchers dahil itinuring niya itong suntok sa buwan dahil sa hirap ng pagsusulit at ninais at ipinagdasal na lamang niyang sana ay makapasa siya.

Bumuhos din aniya ang kanyang emosyon Queen at kanyang buong pamilya sa narating ng kanyang mga pagsusumikap at mensahe nito sa mga mag-aaral na patuloy lang sa paglaban at panatilihin ang disiplina at pagsisikap para sa pag-abot ng mga pangarap.

Ngayon ay haharapin daw ni Queen ang panibagong simula ng kanyang journey sa paghahanap ng trabaho at nananabik kung saan siya dadalhin ng kanyang kapalaran.