Sensitibong balita: Gabay at patnubay ng magulang sa mga batang manonood

PAGTATALIK, ISA NANG SPORT SA BANSANG SWEDEN

Sa kauna-unahang pagkakataon, una sa mundo ang bansang Sweden na kumilala sa pagtatalik bilang isang sport.

Ito’y ayon sa verified sports news website na SportsTiger kamakailan kung saan isang Swedish Sex Federation umano ang mangunguna sa kakaibang palakasan.

Sa ngayon, ilang detalye na ang kumalat kabilang ang petsa ng unang European Sex Championship na natukoy na sinimulan kahapon ika-8 ng Hunyo 2023 , tatakbo ito ng ilang linggo at lalahukan ng nasa 20 kinatawan ng iba’t ibang bansa

Dagdag ng isang hiwalay na ulat, matutukoy ang winners sa naturang sport sa pamamagitan ng tatlong hurado at audience rating, 70 porsyento ang sasakupin ng una habang 30 porsyento naman ang bahagi ng huli.

Ang nasabing patimpalak ay gagabayan ng Swedish Sex Federation.

Bawat kalahok ay magkakaroon ng pagkakataon na makipagtalik sa loob ng anim na oras araw-araw. Ang solo match naman ay tatagal mula 40 hanggang 45 minutos.

Mayroon din itong iba’t ibang kategorya katulad na lamang ng foreplay, oral sex at penetration.

May judges naman na susuri kung sino ang mananalo. Titingnan ng judges sa mga kalahok ang magaling na communication skills ng mag-partner, endurance level, kanilang chemistry at kaalaman sa sex.

Sa huli, naniwala naman ang Swedish Sex Federation na si Dragan Bratych na esensyal nang kilalanin bilang sport ang pakikipagtalik dahil sa “creativity, strong emotions, imagination, physical fitness, endurance, and performance” na kinakailangan sa aktibidad.