ELJ COLLEGE, NANGUNA SA SECONDARY LICENSURE EXAMINATION FOR TEACHERS SA NUEVA ECIJA
Nanguna ang ELJ Memorial College sa anim na paaralan sa Nueva Ecija sa nakaraang Licensure Examination for Teachers na isinagawa noong March 19, 2023.
Base sa criteria ng Professional Regulation Commission o PRC, na may mahigit na 50 examinees at may passing rate na hindi bababa sa 80%, nakuha ng nasabing eskwelahan ang unang pwesto sa secondary level na board exam ng mga guro na may gradong 87.63%.
Ayon kay ELJMC President Dr. Marriel Bajacan Cruz, may kabuuang 85 mula sa 97 estudyante na kumuha ng pagsusulit ang pumasa para makapagturo sa highscool.
Dagdag pa ni Cruz, ang nasabing tagumpay ng eskwelahan ay dahil na rin sa ibinibigay na de kalidad na edukasyon ng mga guro pati na rin ang pagsuporta ng ama ng lalawigan Gov. Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor Anthony Umali sa kanilang mga mag-aaral.
Bukod sa ELJ Memorial College ay nakamit rin ng Central Luzon State University o CLSU ang passing rate na 79.94%, Nueva Ecija University of Science and Technology-Cabanatuan na may 58.61%, Araullo University na may 56.36%, at Wesleyan University Philippines na may 47.17%.
Samantala, nakakuha ng markang 87.80% ang ELJMC para sa elementarya kung saan mula sa 41 na nag-exam ay 36 ang pasado.