GULAYAN SA BARANGAY, TRAINING AT ORIENTATION, DINALUHAN NG IBAT IBANG BAYAN SA NUEVA ECIJA

Tinaguriang rice granary of the Philippines ang lalawigan ng Nueva Ecija dahil isa ito sa may pinaka malaking Produksiyon ng bigas sa ating bansa para sa pagkain ng mga Filipino,Maliban sa pagiging Rice granary,Tinawag din ito bilang Food Basket sa Region 3 dahil sa sipag ng mga Novo Ecijano sa pagtatanim ng Gulay.

Taong 2021 naging Regional winner sa gulayan sa Brgy ang Brgy. Dimasalang,Talavera ,Kaya nais itong ipagpapatuloy ,Kaya noong nakaraang Mayo ay nagsagawa ng orientation at training sa pagtatanim ng mga gulay gamit ang mga makabagong Teknolohiya,at libreng gamit sa pagtatanim ng gulay at binhi ng na may 10 variety. Ito ay ginanap sa Nueva Ecija Fruits and Vegetables seed Center sa Science City of munoz .Sa pangunguna ng Department of Agriculture Region 3 at ng Probinsiya,kung saan magkakaroon ng paligsaan sa mga brgy na magtatanim ng mga gulay na nasimulan na noong 2019 at nais na maipagpapatuloy.

Layunin nito ay para mahikayat ng mga nasa brgy na magtanim ng gulay at matutunan nila ang mga bagong teknolohiya sa pag tatanim ng gulay na itinuro sa nasabing Training

Dinaluhan ito mula sa Bayan ng Guimba,Lupao,Pantabangan,San jose,Cabanatuan,Penaranda, San Isidro,

Lumagda sila ng memorandum of Agriment Bilang kabahagi ng Paligsahan na kung sino ang mananalo sa Provincial Level ay sila ang kakatawan sa Lalawigan para sa Regional level.

Ayon kay Nueva Ecija Provincial Agriculturist Bernardo Valdez ,Isinusulong nila Gov.Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Matias Umali na maglaan ng Pondo para sa mga Novo Ecijano na nanagtatanim ng gulay para makatulong sa kanilang kabuhayan at para narin sa kalusugan ng bawat mamamayan.Upang matugunan ang kakulangan ng pagkain sa bawat Brgy.

Pangako naman ng Provincial Agriculture na na patuloy silang susuporta sa lahat ng mga magsasakang sa lalawigan sa tulong ni Gov.Oyie

Dagdag pa ni Valdez dahil sa tulong ng Gobernador ay naging masagana ang Produksiyon ng gulay sa lalawigan na kanilang ipinagpapasalamat