MAPAIT NA NAKARAAN NA NAGING SUSI UPANG MAPALAPIT SA PANGINOON, TAMPOK NA ISTORYA SA COUNT YOUR BLESSINGS

Isang anak na hindi matanggap ang pagkakaroon ng anak sa labas ng kanyang ama at isang bunga ng pagkakasala ng kanyang ina na inampon ng isang pamilya na kapwa nakilala ang Diyos at pinag isa bilang mag-asawa. Ito ang kwento ni Pastor Leonar at Marivic Agsunod

Na ibinahagi sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman

Kinapanayam sina Pastor Leonard and Marivic sa The Hotel Sophia sa Cauayan, Isabela ni Dra. Kit at guest co-host Joy Senados kung saan mas nakilala pa nila ang mag-asawa

Dahil sa galit sa kanyang ama ay nalulong sa bisyo si Pastor Leonard sa pagnanais na gumanti sa sakit na dulot ng pagkakaroon nito ng anak sa labas. Gayunpaman, ng siya ay ma-akay na sa pagkakilala sa Diyos, ang bisyo at pagrerebelde ay kanya ring naiwaksi.

Dahil anak ng kanyang ina sa bayaw nito ay maraming masasakit na bagay ang pinagdaanan ni Marivic katulad na lamang ng masasakit na salita at kahihiyan dahil sa kanyang pinagmulan.

Nang kanyang makilala ang kanyang bagong pamilya ay dito naman siya naging mas malapit sa Panginoon.

Bago matapos ang programa ay ibinahagi ni Pastor Leonard ang kanyang ipinagpapasalamat sa Diyos sa kabila ng mga dagok sa kanilang buhay.