SENSITIBONG BALITA

TATLONG SUSPEK SA PAGBEBENTA NG DROGA, NAHULIHAN NG HIGIT ISANG MILYONG HALAGA NG MARIJUANA SA BULACAN

Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang nagbebenta ng droga at nasamsam ang mahigit isang milyong halaga ng marijuana sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay Sumapang Matanda, Malolos City, Bulacan noong June 10, 2023.

Kinilala ang mga suspek na sina Maribeth Legaspi MELENDEZ alyas Mariz; Raffy Reyes MAGPALI Jr alias Raffy; at Arwin Jae Rosero MENESES alyas Aweng.

Nakuha mula sa mga suspek ang sampung piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana, isang (1) disposable hand glove, at isang improvised glass pipe na may lamang hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na humigit-kumulang tumitimbang ng 9 kgs na may tinatayang halagang Php 1,080,000.00 at Php 1,000.00 bill na marked money.