HIGIT 400 NA MAG-AARAL, TINANGGAP ANG KANILANG STIPEND FOR EDUCATIONAL ASSISTANCE

Tinanggap ng 406 na mag-aaral sa Bongabon ang kanilang stipend o allowance mula sa Educational Financial Assistance Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, sa pangunguna ni Gov. Aurelio “Oyie” Umali, noong May 20, 2023.

Bawat estudyante ay nabigyan ng 2,500php para sa 1st sem. ng SY 2023-2023

Ayon sa mga mag-aaral na naging benepisyaryo ng naturang programa, malaking tulong ang natanggap nilang allowance upang may pandagdag sa baon, pamasahe, proyekto sa school at iba pang bayarin sa paaralan.

Mensahe ng mga estudyante para kay Governor Umali, sinisikap nilang makapagtapos upang magkaroon ng saysay ang ibinibigay na tulong pinansiyal sa kanila ng PGNE.

Para maging scholar, kailangan lamang magpasa ng mga hinihinging requirements ang mga mag-aaral tulad ng Certificate of Grades, Certificate of Registration, Barangay Residency, Student ID at form na nasagutan na galing sa PGNE.