MAS MAHABANG REGISTRATION VALIDITY NG SASAKYAN, ISINUSULONG SA KAMARA
Itinulak ng isang mambabatas ang mas mahabang validity period ng motor vehicle registration.
Hindi na umano kailangan pang pumunta sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) taon-taon para magparehistro ng sasakyan,
Sa panukalang Extended Motor Vehicle Registration Act (House Bill 8438) ni Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan, ang validity period ng certificates of registration ng mga sasakyan ay limang taon para sa brand new na motor vehicle at tatlong taon naman para sa mga motorsiklo.
Para sa mga mahigit limang taon hanggang pitong taon, ang validity period ay magiging tatlong taon; para sa walo at siyam na taong gulang na sasakyan ay dalawang taon; at para sa 10 taon o higit pa ay taon-taon na ang pagpaparehistro.
Kung ang motorsiklo naman ay higit tatlo hanggang pitong taon na, dalawang taon na lang ang ang registration validity at para sa walong taon o higit pa ay taon-taon na ang renewal ng rehistro.
Sa kasalukuyan ang pagrerehistro ng mga sasakyan ay ginagawa taon-taon maliban sa mga brand new na mayroong tatlong taong validity period
Samantala,pinag aaralan na rin ng LTO na alisin na ang Comprehensive exam para sa pag Renew ng Drivers license.
Target ng Land Transportation Office na matigil na ang paglapit sa mga Fixers lalo na ng ipinatupad ang E-Governance o Electronic ang mga transaction ,kalimitan umano sa mga drivers ay hindi computer literate kaya napipilitan itong lumapit sa mga Fixers
Noong nakaraang Abril ay tuluyan naring inalis ang pagkuha ng Medical Exam na dagdag gastos at abala sa mga Driver na may hawak na 5 years at 10 years validity.