SENSITIBONG BALITA

MGA DATING REBELDE, SUMUKO UMANO SA KAPULISAN SA CENTRAL LUZON

Sumuko umano sa kapulisan sa Central Luzon ang tatlong dating mga miyembro ng communist terrorist groups (CTG) habang tatlo naman ang bumawi ng kanilang suporta sa communist front organizations noong June 14 at 15, 2023.

Base sa report ng Police Regional Office 3, pinangunahan ng Zambales police ang boluntaryong pagsuko ng dalawang dating miyembro ng NPA sa Baryo na sina ”Ka Kana”, 19 years old at residente ng San Marcelino, Zambales; at “Ka Landin”, 50 years old at residente ng Hermosa, Bataan.

Boluntaryo naman umanong sumuko sa 301st Maneuver Company of Regional Mobile Force Battalion 3 sina “Ka Lupe”, 53 years old, na residente ng DRT, Bulacan at dating miyembro ng CTG na nag-ooperate sa nabanggit na probinsiya.

Samantala, ayon pa rin sa ulat ng kapulisan, isang babae naman sa Olongapo City ang umalis sa Gabriela/ANAKPAWIS at nagbalik loob sa gobyerno; at isang alias “Elen” sa Tarlac ang tumalikod sa pagiging miyembro ng Bayan Muna.