KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG TIWALA AT PANANAMPALATAYA SA PANGINOON, IBINAHAGI SA COUNT YOUR BLESSINGS
Naging maginhawa at nailayo umano sa mga hindi magandang gawain ang pamilya Floresca magmula noong nakilala at tinanggap nila Ang Panginoon sa kanilang buhay.
Ang buong kwento ay ibinahagi ng mag-asawang sina Brother Archie at Sister Maribel Floresca sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman, kung saan pinatunayan nila ang mga pagbabago at biyayang kanilang natanggap mula sa Panginoon.
Dagdag pa ng mag-asawa ay hindi lamang puro biyaya ang natanggap nila, bagkus ay dumaan din sila sa mga pagsubok, at ang ilan sa mga suliranin na kanilang hinarap ay ang financial problem, ang pagiging hindi handa sa mga responsibidad na kanilang haharapin at ang pagkaka-lulong sa bisyo ni Brother Archie.
Nagpapasalamat rin ang mag-asawa sapagkat nagtiwala sila sa Panginoon at hindi sila pinabayaan noong itinigil nila ang kanilang trabaho sa mga pribadong kumpanya at ipinagpatuloy na lamang ang kanilang negosyo.
Maraming biyaya na ang natanggap ng mag-asawa at isa na rito ang pagtatapos ng kanilang panganay na anak.
Ayon kay Sister Maribel ay hindi lamang sila natulungan Ng Panginoon financially, bagkus ay nagkaroon din sila ng time-freedom kung saan malaya silang nakakapag-lingkod Sa Diyos