GRADUATING SCHOLARS NG KAPITOLYO, IPINAGPAPASALAMAT ANG KANILANG EDUCATIONAL ASSISTANCE

Natanggap ng halos 1,200 estudyante na mga taga Cabanatuan na scholar ng kapitolyo ang kanilang Educational Assistance Allowance.

Ayon sa Public Affairs and Monitoring Office, tinatayang nasa halos anim na libong mga scholars ng kapitolyo ang nabibiyayaan ng stipend kada taon sa buong lalawigan.

Habang dalawang beses naman umano sa loob ng isang taon nakakatanggap ng halagang P2,500.00 para sa 1st at 2nd semesters ang mga estudyante.

Napakalaking tulong ito para sa mga graduating students kagaya nina Louise Nicole Cruz at Janelyn Arsaga na mula 1st year hanggang sa kanilang pagtatapos ay kabilang sa libo libong mga estudyante na nabigyan ng scholarship ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pangunguna nina Governor Aurelio at Vice Governor Anthony Umali

Pasasalamat ang kanilang ipinaaabot sa Ama ng lalawigan dahil sa pamamagitan nito ay nakamit nila ang kanilang mga pangarap na makapagtapos ng kanilang pag-aaral .

Pasasalamat din ang nais iparating ng magulang na si Julius Bilona na graduating na rin ang anak sa kursong Accountancy sa Central Luzon State University.

Malaking tulong umano ang allowance na natatangap bawat semester ng kanyang anak dahil pamamasada lamang ng tricycle ang kaniyang hanap buhay.

Pangarap naman ni Juanita Pineda na makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang anak dahil ito lamang ang kanilang tanging maipamamana sa kanilang anak na kasalukuyang 3rd year sa kursong Bachelor of Science in Pharmacist.