HINIRAM NA AKLAT SA LIBRARY SA ILLINOIS, IBINALIK PAGKALIPAS NG 43 TAON

Isang libro ang ibinalik ng anonymous patron o hindi nakilalang parokyano sa after-hours dropbox ng Niles-Maine District Library sa Illinois.

Ikinagulat ng mga librarians nang matuklasan nilang dapat sana ay naisauli na ang libro noong January 19, 1980 pa.

Sinulat ni Margarett K. Wetterer ang isinauling libro na The Moons of Jupiter, na inilathala noong January 1, 1971.

Ipinost sa official Instagram account ng library ang pangyayaring ito kasama ang detalye ng pagkakahiram dito.

Ayon sa kanilang post, dahil overdue na ng 43 years ang libro ay may multa na sana ang borrower na $316.66 o may katumbas na PHP17, 607.56 ngayon.

Buti na lamang daw ay fine free library na sila o wala ng pagmumulta ang kanilang silid-aklatan simula pa noong 2020.

Hindi naman nalaman kung sino ang nagsauli ng libro dahil wala na ring records ng borrowers ang library.

Ang kasalukuyang records system ng library ay wala nang detalye na hanggang 1980s kaya hindi na rin natukoy kung sino ang nanghiram ng libro.

May ilan pa umanong used copies ng libro na ibinebenta sa mga online stores na nagkakahalaga ng US$9.75 o Php500.33.