GILAS PILIPINAS,NAGSIMULA NG MAG ENSAYO SA ESTONIA
Sumalang kaagad ang Gilas Pilipinas sa ensayo pagkalapag sa Estonia upang sulitin ang Europe training camp bilang bahagi ng mahabang preparasyon para sa 2023 FIBA World Cup na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.
Sabak agad sa praktis sina Chris Newsome, June Mar Fajardo at Japeth Agular ,Scottie Thompson, , CJ Perez, , Jamie Malonzo, at Poy Erram mula sa PBA. Kasama rin si assistant coach Jong Uichico.
Walang pahi-pahinga para sa Nationals,tampok ang 12 manlalaro, habang wala pa ang ibang miyembro ng 20-man training pool upang samahan sila sa mahaba-habang European trip.
Kasama din ang mga overseas Pinoy imports na sina Rhenz Abando mula sa Korea, Dwight Ramos, Thirdy at Kiefer Ravena ng Japan pati na si US NCAA ace AJ Edu na kakapirma lang din ng kontrata sa Toyama Grouses sa B. League.
Inaasahang susunod sa Estonia sina naturalized players Justin Brownlee at ( aNDS)Ange Kouame.
Hindi nakasama sa biyahe sina Ray Parks, Calvin Oftana at Roger Pogoy na nagpagagaling pa sa injuries, habang nasa Amerika pa sina Jordan Heading, Kai Sotto at Jordan Clarkson.
Sasabak sa isang pocket tournament at ilang tune-up games ang Gilas sa Estonia bago tumungo sa Lithuania sa Hulyo para sa pagpapatuloy ng preparasyon.
Nakapila rin sa Gilas ang ilang pocket tournament sa China at sa Pilipinas pag-uwi nila para sa pinal na preparasyon bago ang World Cup tampok ang Pinas, Japan at Indonesia bilang co-hosts.
Makakaharap ng Gilas ang Dominican Republic, Italy at Angola sa Group A ng World Cup na ang final phase ay gaganapin sa Phil.Arena,mall of Asia .