COMELEC, TINANGGAL ANG HIGIT 25K BOTANTE SA VOTERS LIST BILANG BAHAGI NG PAGHAHANDA SA BSKE 2023
Tinanggal na ng Commission on Elections o COMELEC ang mahigit 25,000 voter registration sa kanilang listahan bilang paghahanda sa darating na halalan para sa barangay at Sangguniang Kabataan na nakatakda sa Oktubre 2023.
Sa pahayag ng Comelec, hanggang noong June 23, nasa 25,440 sa buong bansa ang kanilang binura sa National List of Registered Voters o NLRV.
Ang mga inalis na botante ay ibinase sa mga sumusunod na kategorya:
- Pagkakakilanlan ng dalawa o higit pa sa bawat fingerprint ng botante na may kabuuang bilang na 12,987;
- ang mga botante na lumipat sa ibang siyudad o bayan na umabot sa 12,274;
- 2 botante na hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na eleksyon
- 168 na mga botante angpumanaw nan a kinumpirma ng local civil registrants;
- 9 na registered voters ang nadiskubreng mayroong doble o multiple records sa kanilang siyudad o bayan
Sinabi pa ng Comelec na ang mga dokumento na kanilang nakalap ay ipapasa sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at National Movement for Free Elections (Namfrel) upang suriing mabuti.
Magkakaroon din umano ng isa pang paglilinis ng voter registration record sa buwan ng Hulyo kapag mayroon pang nakitang mga double o multiple records.
Samantala, ayon sa COMELEC-Nueva Ecija, patuloy naman ang kanilang paglilinis ng record sa lalawigan.
Mula sa mahigit 1.6 milyong botanteng Novo Ecijano, nasa halos 12,000 registered voters ang kanilang aalisin sa listahan dahil ang mga ito ay nag transfer na sa ibang lugar, pumanaw na at doble ang registration.
Kung sakaling matapos na ang kanilang pagsusuri ay agad nilang ipapasa ang kabuuang bilang ng mga natanggal na botante sa nasyonal na tanggapan.