DATING LULONG SA BISYO, PASTOR NA; NAGLILINGKOD NA SA PANGINOON
Pagtitinda ng coated peanut ang pangunahing ikinabubuhay ng dating sakit sa ulo at puro bisyo, na ngayon ay naglilingkod na sa Panginoon na si Pastor Jorvin Coloma.
Ang buong kwento ng pagbabago ay ibinahagi ni Pastor Jorvin sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman.
Bumalik umano siya sa tamang landas dahil sa pagmamahal ng kanyang Lola na siyang nag-alaga sa kanya magmula noong naghiwalay ang kaniyang mga magulang.
Dagdag pa ng Pastor, nakilala at napalapit siya Sa Panginoon sa pamamagitan ng kanyang Tita. Tinulungan umano siya nito upang makapasok sa isang bible school.
Ipinaabot ni Pastor Coloma ang kaniyang pasasalamat sa “Ministers Association Integrated Nutrition Program Incorporated” o “MAINPI” na kaniyang kinabibilangan.
Pinangungunahan aniya ito ni Bishop Marcelo Artizuela Sr. na layuning makapagbigay ng pagkain sa mga mamamayan hindi lamang sa probinsiya ng Nueva Ecija, kundi sa buong bansa.