PANUNUNTOK NG MPBL MARIKINA SHOE MASTER COACH SA KANYANG PLAYER, IKINAGALIT NG MGA NETIZEN

Naging viral ang ginawang panununtok ni Marikina Shoe Master Coach Elvis Tolentino sa kanyang Player na si Felipe Chavez Jr. Ito ay dahil sa isang crucial turn over sa natitirang 19.6 seconds na oras para sa final quarter laban sa Pasig City kung saan ay natalo ang Marikina City sa Pasig sa score na 71—66.

Sa naturang laro isa si Chavez sa nakagawa ng mga puntos para mahabol ang kalamangan ng Pasig at maibaba sa dalawang puntos ang lamang sa score na 66-68, mula sa clutch shoot ni Chavez sa natitirang 1.25 seconds sa last quarters.

Si Chavez din ang nag bigay ng momentum sa Marikina para mahabol ang kalamangan ng Pasig na umabot ng mahigit 10 points sa buong laro, para mailapit sa dalawang puntos ang lamang ng Pasig.

Ikinagalit ni coach Elvis ang isang turn over ni Felipe Chavez sa natitirang 19.6 seconds dahil nawala ang bola sa kamay ni Chavez kaya nagpatawag ang coach ng time out at bigla na lamang sinikmuraan at hinila ang jersey ng manlalaro.

Hindi naman nagustuhan ng mga netizen ang ginawa ni coach Elvis Tolentino na isa ring konsehal ng Marikina City. Dahil maganda naman umano ang naging laro ng kanyang player na nag-ambag pa ng 16 points na dahil lang sa isang turn over ay sinaktan niya ito.

Ayon kay Manila Rep. Joel Chua dapat maparusahan si coach Tolentino na nanuntok ng kanyang player na si Felipe Chavez sa kanilang laro laban sa Pasig City sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Dagdag pa ng mambabatas na dapat tingnan ito ng Games and Amusement Board (GAB) at maparusahan ang naturang coach ng Marikina.

Sinuspende naman ng( MPBL ) Maharlika Pilipinas basketball league si Marikina Shoemaster Coach Elvis Tolentino ng isang laro at pinagmulta ng Php 75K sa kanyang ginawang panununtok sa kanyang player na si Felipe Chavez..