SENSITIBONG BALITA

MENOR DE EDAD, APAT NA KASAMA NITO, ARESTADO SA PENARANDA DAHIL SA ISANG TRUCK NG ILLEGAL NA ULING

Sinampahan ng kasong paglabag sa PD 705 sa Office of the Provincial Prosecutor, Cabanatuan City ang limang suspects dahil sa isang truck ng illegal na uling na nasabat sa bayan ng Penaranda, Nueva Ecija.

Kinilala ang mga suspek na:
1) 32 years old na binata, truck diver a residente ng Brgy. Sampaguita, Gen. Tinio, N.E;
2) 36-anyos na binatang, truck co-driver;
3) 18 years old, binata, student, helper;
4) menor de edad na binatilyo, student, lahat residente ng Brgy. Pias, Gen. Tinio, Nueva Ecija; at
5) 27-anyos, married helper, residente ng Brgy. Concepcion, Gen Tinio, Nueva Ecija

Habang ang may-ri umano ng mga uling na pinaghahanap ng kapulisan ay isang lalaki na taga Brgy. Sampaguita, Gen Tinio, Nueva Ecija.

Base sa report ng pulisya, 2:50 ng madaling araw noong June 28, 2023 nagpapatrolya sa Poblacion 1 ang mga elemento ng Penaranda Police Station nang mamataan at pinahinto ang isang ISUZU FORWARD TRUCK na kulay blue/aluminum, wing van type, kung saan nakasakay ang limang kalalakihan.

Nang inspeksyunin ang truck ay natuklasang kargado ito ng 362 na sako ng mga uling na walang kaukulang dokumento na nagkakahalaga ng PHP126,700.00 kaya kinumpiska ito ng awtoridad.