PAG-ULAN NG AHAS, MGA ISDA, TOTOO BANG NAGANAP?
Natural na nararanasan sa ating mundo ang pag-ulan.
Merong ulan na butil butil, merong mga ulan na may kasamang malalakas na hangin at may ulan din ng snow.
Pero paano kaya kung habang natutulog ka at pag gising mo umuulan ng isda mula sa kalangitan?
Isa sa pinakakakaibang pag ulan sa ibat ibang bahagi ng mundo ay ang pag ulan ng isda.
Gaya na lamang ng pag ulan ng nito sa Australia noong 2010 at sa India naman noong 2016. Ganon din sa bansang Thailand, at maging dito sa Pilipinas ay umulan din ng isda sa Agusan Del Sur noong 2012.
Tinatayang halos nasa 80 piraso ang kanilang nakuhang tinatawag nilang isdang dalag o bulig.
Chargen:80 piraso ng isdang bulig, napulot sa pag ulan ng isda sa Surigao Del Sur
Ayon sa mga ekperto, maaaring tinangay umano ito ng tinatawag na ipo-ipo o buhawi, na mula sa tubig papunta sa ulap na sumama naman sa ulan.
Ang kakaibang natural na phenomenon na ito ay nangyayari kapag ang isang buhawi ay tumama sa karagatan. Nagdudulot iyon ng matinding bagyo ng tubig at kasama ng tubig ang mga isda at iba pang nilalang sa dagat tulad ng mga ahas, palaka, pagong, at alimango na nasa ibabaw ng tubig o malapit sa dagat na naaakit din sa malakas na hangin. Kapag ang hangin ay tumama sa tubig, unti-unti nitong hinihila ang mga magaan na bagay tulad ng isda pataas sa langit.
Chargen:Pag-ulan ng ahas naranasan ng mga taga Memphis USA noong January 1877
Papaano naman kung sa inyong lugar ay umulan naman ng ahas? Ano kaya ang mararamdaman mo kung umulan ng ahas habang ikaw ay naglalakad at mahulog sa iyong dalang payong? O di kaya habang nagmamaneho ka ng motor ay bigla na lamang may bumagsak sa iyong harap na maraming ahas?
Ang pag ulan ng ahas ay isa sa pinakanakakatakot na naranasan ng mga taga Memphis USA noong January 1877. Kwento ng mga residente doon, isang maulan na panahon sa kanilang lugar nang bigla na lamang may bumagsak na maraming mga ahas na kanilang ikinagulat at ikinatakot.
Ayon naman sa mga expert, ang naturang mga ahas ay tinatawag na Garter Snake na mabuti na lamang ay hindi makamandag.
Maaaring dulot din umano ito ng malakas na Ipo-Ipo at pag-ulan sa kanilang lugar.
Sa susunod na pag-ulan, gusto niyo bang umulan naman ng pera at ginto?