MGA ISKOLAR NA NAKATANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE SA GEN. NATIVIDAD, NAGPASALAMAT SA KAPITOLYO

Pasasalamat ang katagang ipinaaabot ng mga estudyanteng iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija kina Governor Aurelio at Vice Governor Anthony Umali dahil sa natanggap nilang education financial assistance.

Base sa datos ng Public Affairs and Monitoring Office, 277 na estudyante ang nabigyan ng halagang P2,500.00 para 1st semester ng 2022-2023 sa bayan ng Gen. Mamerto Natividad noong nakaraang buwan ng Hunyo, 2023

Kwento ni Daisy Blaza, tanging ang kuya na lamang niya ang nagtataguyod ng kanyang pag-aral dahil wala na silang tatay.

Isa rin siyang Scholar ng Kapitolyo na nag aaral sa ELJMC sa kursong bachelor in Science in Elementary Education.

ipinagpapasalamat niya rin dahil bukod sa libreng tuition at educational allowance mula sa Kapitolyo ay may libreng dormitoryo rin siyang tinutuluyan.

Hindi naman umano sapat ang salitang pasasalamat ni ginang Rowena Guttierez para kina Gov. Oyie at kay Mam Cherry Umali sa tulong financial na kanilang natatangap ,dahil hindi lamang pagiging Scholar ng kanyang anak ang kaniyang natanggap kundi noong panahon ng pandemya ay malaking biyaya rin ang pangkabuhayan na ipinagkaloob sa kanilang pamilya na paitloging manok.