PAMILYA, ITINUTURING NA PINAKA MAGANDANG BIYAYA NG ISANG MINISTRY LEADER
Itinuturing ng Clinical Instructor at Leader sa isang Campus Ministry na pinakamagandang biyaya ang kanyang pamilya sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan.
Ibinahagi ni Brother Cesar Diaz Castillo Jr. sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman, kung paano niya nahanap ang purpose niya sa mundo.
Ikinuwento rin ni Brother Cesar ang kanyang mga napagdaanan sa buhay.
Noong taong 2021 aniya ay pumanaw ang kanyang ama dahil sa pandemya.
Ngunit sa kabila ng kanilang napagdaanan ay nagpatuloy sila sa buhay at ipinagpasa-Diyos na lamang ang lahat, kaya’t nalagpasan nila ang mga pagsubok.
Nabago aniya ang kanyang pananaw sa buhay magmula noong siya ay napasok sa Ministry, kung saan nabigyan siya ng pagkakataon na magbahagi ng Mabuting balita.
Nag-iwan din ng mensahe si Brother Cesar sa mga kabataan na may pinagdadaanan, na magbalik-loob sa Panginoon na laging nandyan at araw-araw na magbasa ng bibliya.