Sensitibong Balita:
DALAWANG MIYEMBRO NG ARMADONG GRUPO, SUMURENDER UMANO SA MGA PULIS NG GEN. TINIO
Sumailalim umano sa debriefing ng kapulisan ang sumurender na dalawang aktibong miyembro ng BAL Private Armed Group noong July 3, 2023.
Kinilala ang mga ito na sina alias ‘John,’ 49-years old, residente ng Barangay Cabilaoan, Laoac, Pangasinan, at alias ‘Rey,’ 65-anyos, at residente ng Barangay Concepcion, General Tinio, Nueva Ecija.
Base sa report ng Nueva Ecija Police, nagsagawa ng Special Intelligence Operation ang mga elemento ng General Tinio Police (lead unit), katuwang ang ibang unit na nagresulta sa pagsuko ng dalawa.
Itinurn-over umano ng mga ito sa mga pulis ang isang Cal. 38 revolver, 1 Cal. 8mm pistol, and 1 Cal .22 revolver) kasama ang mga bala ng naturang mga baril.