300 ESTUDYANTE, OUT-OF-SCHOOL-YOUTH, NABIGYAN NG TRABAHO SA 2ND BATCH NG SPES NG KAPITOLYO AT DOLE

Kasalukuyan nang nagtatrabaho ang benepisyaryo SPES o Special Program for Employment of Students na programa ng Provincial Government ng Nueva Ecija in partnership with DOLE o Department of Labor Employment tuwing bakasyon sa school.

Isinagawa noong June 20, 2023 ang 2nd Batch Orientation and Contract Signing ng 300 na mahihirap na estudyante na may edad 15 hangang 30 taong gulang, kabilang din ang mga out of school youth na nais makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral.

Bawat estudyante ay magtatrabaho sa iba’t ibang departmento ng kapitolyo, munisipyo o kapag malayo naman sa Kapitolyo ay sa kanilang mga barangay na lamang sila maa-assign.

Ayon kay Nueva Ecija Provincial Public Employment Service Office Manager Ma. Luisa Pangilinan, 100 porsiyento ng kanilang sahod ay galing mismo sa pondo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Matias Umali.

Tinatayang makatatanggap ng Php 568.95 per day ang bawat estudyante sa loob ng 20 araw na pagtatrabaho na aabot sa kabuoang Php 11,379, hindi kasama rito ang araw ng Sabado at Linggo.

Kaya para kay John Kenneth Garcia, estudyante ng Manuel Gallego Foundation College na may Kursong BSBA, napakalaking tulong ito para sa kanilang mga magulang dahil may pambayad na sa kanyang tuition sa pasukan.

Ipinagpapasalamat kay Gov.Oyie ni Judeelyn Manalili, 3rd year sa kursong Bachelor of Science in Education sa NEUS ang pagiging benepisyaryo ng SPES ngayong taon dahil Practicing Teaching na siya at kailangan niya ng financial support dahil wala namang permanenteng hanap-buhay ang kanyang magulang.