SENSITIBONG BALITA:

KASO NG PAGPATAY SA LLANERA, ‘SOLVED’ NA AYON SA NUEVA ECIJA POLICE

Ikinukonsiderang ‘case solved’ na ng Nueva Ecija Police Provincial Office ang kaso ng pagpatay sa limampong taong gulang na si Elemito Dela Cruz y Avendania na residente ng Barangay Casile, Llanera matapos tugusin at mahuli noong July 9, 2023 ang apat na mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong Murder and Violation of RA 10591.

Ayon kay Provincial Director PCOL Richard V. Caballero na ang lahat ng apat na mga suspek ay mga magsasaka, at residente ng Barangay Plaridel ng naturang bayan.

Gabi umano ng July 8, 2023 ay binaril ng mga suspek ang biktima sa Barangay Gomez, Llanera, pagkatapos ay mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo ngunit naaresto rin ng mga awtoridad.

Nakuha mula sa mga ito ang isang Cal. 45 pistol, dalawang Cal. 30 Carbine at mga bala ng mga nasabing baril.