DATING GURO, TINANGGAP ANG TUNGKULIN BILANG PASTOR SA KABILA NG MGA PAGSUBOK SA BUHAY
Matapos ang maraming pagsubok, tinanggap ng buong puso ng isang dating guro ang aniya’y pagtawag ng Panginoon sa isang tungkulin.
Ikinuwento ni Pastor Sonny Lamson ang mga karanasan, pagsubok at biyaya na kaniyang pinagdaanan sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman nitong Sabado, June 7, 2023.
Naging inspirasyon aniya niya ang sakit at kahirapan na kaniyang napagdaanan bago naging isang guro na kalaunan ay naging pastor.
Pinahihinto aniya siya ng kanyang ama sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay, ngunit ikinatwiran niya na mayroon siyang pangarap kaya pinagsumikapan niyang makapagtapos.
Pagka graduate ay nagturo si Pastor Sonny ng labing-dalawang taon sa Public School, bilang SMAW teacher.
Kwento nito, September 15, 1985 niya nagsimulang makilala ang Panginoon. Ngunit dahil iba’t-ibang pinangdadaanan sa buhay, ay paulit ulit din siyang nailalayo rito.
Labing-tatlong araw aniya ang nakalipas magmula nang ipanganak ang kanyang anak ay nagkasakit ito.
Nakita aniya ng Pastor ang kaniyang ina na puspos ang pagdarasal, subalit siya ay nagmumukmok at nagagalit at kinuwestiyon Ang Diyos.
Nangyari aniya ang isang milagro sa isang hospital, kung saan nadugtungan ang buhay ng kaniyang anak.
Humingi ng tawad si Pastor sa Panginoon matapos ang nangyaring milagro at doon naibalik ang kaniyang relasyon sa Panginoon.