SAKO NG PALAY, KALABAW, PROPS NG NOVO ECIJANANG KANDIDATA SA MISS GRAND PHILIPPINES 2023
Kinaaliwan ng mga netizens, lalo na ng mga Novo Ecijano ang Creative Cultural Costume ni Bernadette Fajardo, kandidata sa Miss Grand Philippines 2023 mula sa San Leonardo, Nueva Ecija.
Inirampa kasi niya ang kaniyang kasuotan na gawa sa mga sako ng palay, kasama ang kaniyang props na kalabaw na siyang kinagiliwan ng maraming netizens.
Ilan sa mga komento sa video na inupload ng Eventologie noong July 8, 2023 na humataw na sa mahigit 600,000 views:
“This is best costume for me! Pinoy na Pinoy.”
“Aliw yung kalabaw!”
“Wow ung kalabaw nag eexibition…galing ng gown gawa sa sako.”
Sumasalamin umano ang kasuotan ni Bernadette sa industriya ng palay sa Nueva Ecija na nagbigay ng kabuhayan sa maraming mamamayan.
Sa kanyang performance sa Preliminary Competition sa Miss Grand Philippines stage na ginanap sa Crowne Plaza Manila, ipinakita niya ang kinagawian at kadalasang ginagawa sa kabukiran na bahagi na ng kultura ng mga Novo Ecijano.