80 MILLION NA FILIPINO, REHISTRADO NA SA PHILSYS

Inihayag ng Philippine Statistics Authority o PSA na mahigit 80 milyon na Filipino na ang rehistrado sa National ID.

Ayon sa PSA, sa kasalukuyan ay nakapagparehistro na ang 80,004,098 na Filipino mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Isinaad din ni PSA Undersecretary Dennis S. Mapa, “This is a significant portion of our entire population. The PSA is now down to the last mile of our target registration for PhilSys.”

Patuloy umanong nakikipagtulungan ang PSA sa ibang institusyon upang masiguro ang tuluy-tuloy na produksyon at pagrerehistro ng mga Filipino.

Nagsasagawa ng walk-in registration ang PSA sa iba’t-ibang lugar upang mas mapadali at mabigyan ng oportunidad ang publiko.

Samantala, mayroon pa ring mobile registration upang masiguro na makakapagrehistro pa rin ang mga nasa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA.

Maari ring magparehisto sa mga registration center ang mga batang nasa edad 5 pataas na may kasamang magulang.

Sa pinakahuling datos nitong Hunyo, mahigit sa 70 milyong physical ID na ang naihatid sa mga may-ari nito.