SENSITIBONG BALITA

WANTED SA LABIMPITONG KASO NG PANGHAHALAY, ARESTADO SA CABANATUAN CITY; PHP3-MILYON, IPINATAW NA PYANSA

Napasakamay na ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted para sa 17 counts of violation of RA 7610 sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Kinilala ang suspek na si Napoleon SAN DIEGO y De Leon, 48 years old, may asawa, at residente ng Brgy. Padre Crisostomo, Cabanatuan City.

Base sa report ng Police Regional Office 3, July 10 nang magsanib-pwersa ang Cabanatuan Police at iba pang concerned police units sa isinagawang manhunt operation sa bahay ng suspek.

Si San Diego ay inaresto para sa 8 counts of Sexual Assault, and 9 counts of Acts of Lasciviousness sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Theresa O. Basilio ng RTC Branch 8-FC, Cabanatuan City na may recommended bail na Php3,060,000.00.

Pinuri naman PBGEN JOSE S HIDALGO JR, RD, PRO3 ang accomplishment na ito ng operating troops.