SENSITIBONG BALITA:
TATLONG TULAK UMANO NG DROGA, ARESTADO NG NUEVA ECIJA POLICE
Arestado at nakuhanan umano ng nagkakahalaga ng Php15,000 na shabu ang tatlong lalaking suspek sa pagtutulak ng ilegal na droga noong July 16, 2023 sa isinagawang Anti-illegal Drug Buy Bust Operations ng Nueva Ecija Police sa mga bayan ng Rizal, Lupao, at Jaen.
Base sa report ng kapulisan, nagpanggap ang mga operatiba na buyer ng illegal na droga sa mga suspek at doon nakumpirma na nagbebenta nga ang mga ito.
Nakumpiska umano sa mga suspek ang MOL 2.16grams ng hinihinalang shabu na may value na Php14,688.00.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.