KASAL, NAUWI SA TRAHEDYA
Isang lalaking ikakasal na taga Nebraska ang biglang namatay, ilang minuto lamang matapos ikasal.
Noong June 19, 2023 si Toraze Davis, 48, ay ikinasal kay Johnnie Mae Davis, ngunit ang pagdiriwang ay naging isang trahedya nang lumabas ang mag-asawa ng simbahan upang magpakuha ng litrato, ayon sa lokal na outlet na KCCI-TV.
Kwento ng bride, talagang kinapapanabikan nila ang araw na ito dahil maliban sa malaking selebrasyon ay kaarawan pa umano ito ng kaniyang lola.
Pagkatapos ng seremonya, lumabas ang couple para kumuha ng kanilang larawan na magkasama.
Pero bigla na lamang bumagsak si Davis matapos tumigil sa pagtibok ang kanyang puso dahil sa isang nakamamatay na namuong dugo.
Sinariwa din ng bride ang mga alaala ng kaniyang asawa nang ito’y nabubuhay pa.
Likas umano rito ang tumulong sa mga may kapansanan at director din ito ng ECO supporting living company nang siya’y nabubuhay pa.
Nang dahil sa pangyayaring ito, nagbigay din ng babala si Johnnie Mae sa lahat na ugaliing pangalagaan ang kalusugan at bigyang prioridad nang maiwasan na ang ganitong kaganapan at hindi na maudlot pa ang masaya sanang pagsasama ng mga mag-asawa.