PASTOR, INIWAN ANG TRABAHO SA IBANG BANSA UPANG MAGLINGKOD SA DIYOS

Tinulikuran ng isang Pastor ang kanyang trabaho sa loob ng 19 na taon sa ibang bansa upang maglingkod Sa Panginoon.

Tinalakay ang buong kwento ng mga karanasan sa buhay ni Pastos Ernest kasama ang kaniyang Misis na si Sister Diane Almorasa sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman nitong Sabado, July 16, 2023.

Itinuturing ni Pastor Ernest na bunga ng kaniyang sakripisyo at pag-iwan sa trabaho ang makita ang mga tao na nababago dahil sa salita Ng Diyos.

Dagdag pa niya, simula noong naglingkod siya sa Ministry ay nawala ang pagkahumaling niya sa mga mamahaling kagamitan.

Aniya, noong siya ay nagtatrabaho sa America ay mayroon siyang mga mamahaling gamit, ngunit kaniya itong iniwan matapos ang pagtawag Ng Panginoon sa kaniya para gampanan ang isang tungkulin bilang Pastor.

Kwento ni Pastor Ernest, noong simula ay tinatakbuhan niya ang pagtawag Ng Panginoon, dahil dati ng Pastor ang kaniyang Ama, subalit nang maaksidente ay naisip niya na kahit anong oras ay maaari siyang mawala sa mundo, kaya’t tinanggap na niya ang pagtawag Ng Panginoon.

Sa huling bahagi ng programa ay ipinagpapasalamat ng mag-asawa na nabigyan sila ng pagkakataon na maglingkod Sa Panginoon, at itinuturing nila ito bilang pinakamagandang biyaya.