SENSITIBONG BALITA
PHP1.2-MILLION NA HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA NG KAPULISAN SA CENTRAL LUZON
Umaabot sa 180 grams ng diumano’y shabu na nagkakahalaga ng Php1.2 million ang nakumpiska ng pinagsanib pwersa ng Provincial Drugs Enforcement Unit/Provincial Intervention Unit and Baliwag City Police Station sa tatlong suspek sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Brgy. Tangos, Baliwag City Bulacan noong July 19, 2023.
Kinilala ang mga suspek na sina (1) Elmer GROYON y Herrer, 59 years old, (2) Aries INOVERO y Valderama, kwarentay dos anyos (both listed in PNP/PDEA unified watchlist) and (3) Marlon PAGUILIGAN y Angeles, 44 years old.
Base sa report ng Bulacan Police Provincial Office, nasamsam sa mga ito ang 8 pieces medium size heat-sealed transparent plastic sachets and 5 pieces large size knot tied ice bag na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu, 1 unit of white Toyota Vios and buy-bust money na nagkakahalaga ng Php5,000.00.
Inihanda ng mga awtoridad ang kasong violation of Section 5, 11 and 26 of Article II of RA 9165 laban sa mga naarestong suspek.