NOVO ECIJANANG BINULLY DAHIL SA CLEFT PALATE NA NAGKARPENTERO PARA MAKAPAG-ARAL, PROUD GRADUATE NG NURSING NGAYON

Pinatotohanan ni Eli Rose Joy Santiago, labing dalawang taong gulang, mula sa Talavera, Nueva Ecija na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang diploma at pinapangarap na inaasam.

Sa pamamagitan ng pagsali sa Art Competition ng Provincial Tourism Office na nagwagi bilang People’s Choice Award ay nakuha bilang isa sa mga iskolar ni Governor Aurelio Umali si Eli Rose.

Kwento niya, nakikita niya ang kanyang sarili bilang isang nurse sa hinaharap dahil sa hangaring makapagserbisyo sa kapwa kaya sa kabila ng hirap ng buhay at pagtatapat sa kanya ng kanyang mga magulang na hindi siya kayang pag-aralin ng mga ito sa kolehiyo ay hindi siya pinanghinaan ng loob.

Hirap na nga sa buhay ay naging mas mahirap pa para sa kanya ang naging daan patungo sa kanyang pangarap dahil mas pinahirap pa ito ng mga taong nangungutya sa kanya dahil sa pagkakaroon ng cleft palate.

Pinasok ni Eli Rose ang pagiging student nurse, visual artist, nagturo ng mga bata noong 17 years old, naging art mentor, hanggang pinasok na rin ang pagpipintura ng bahay at pagkakarpentero matustusan lamang ang kanyang pangangailangan sa paaralan.

Hindi man aniya siya masuportahan ng kanyang pamilya sa pangangailangang pinansyal ay nariyan naman sila para bigyan siya ng moral support at pagmamahal na naging lakas niya upang magpatuloy sa paglaban.

Malaki din aniya ang tulong na naging iskolar siya ni Governor Oyie kaya naman nagpaabot ito ng pasasalamat dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanya at ngayon ay proud na isa na siyang degree holder.

Mensahe ni Eli Rose sa kapwa kabataan na maniwala lamang sa sarili sapagkat ito ang pangunahing paghuhugutan nila ng sariling lakas upang lumaban ng patas sa buhay.