NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS, PINABAGSAK ANG BACOOR STRIKER

Nagpaulan ng 3 hot-shooting sa si Byron Toto Villarias at pinangunahan ang Defending Champion Nueva Ecija Rice Vanguards sa laban nila kontra Bacoor Strikers, noong nakaraang Lunes sa punong-puno ng fans na air-conditioned Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City.

Nakuha ng Vanguards ang kanilang panalo sa score na 83-75, laban sa nangungunang team sa South Division na Bacoor Strikers na dumayo
noong July 17, 2023 sa Nueva Ecija para sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Fifth Season.

Dalawang beses na nagbanta ang Strikers, 68-69 at 74-78, ngunit patuloy ang pagpapakawala ni Villarias ng triple na nagtulak sa Rice Vanguards para masiguro ang panalo sa kanilang pinakahihintay na sagupaan na parehong may 16-2 sa team standing.

Nagtapos si Villarias ng 22 puntos, kabilang ang 6 na 3 points shoot, 5 rebounds at 3 steals kaya nahirang na best player of the Game na naging dahilan ng Nueva Ecija na makuha ang ika-17 panalo laban sa dalawang talo sa round-robin elimination phase ng 22-teams tournament.

Malaki rin ang naging papel ni Will McAloney para sa defending champion Nueva Ecija Vanguards na may 18 puntos at 10 rebounds.

Ang iba pang nag-ambag para sa Rice Vanguards ay sina Pamboy Raymundo na may 9 points, Michael Mabulac, Michael Juico at Roi Sumang na may tig-8 points, at syempre ang croud favorite na si Shaq Taganas na may 7 points at 5 rebounds.