SENSITIBONG BALITA:

2 LALAKI, HULI SA POT SESSION SA KALAMANSIAN SA CABIAO

Nahuli umano sa aktong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang dalawang lalaki sa kalamansian sa Barangay Entablado, Cabiao, Nueva Ecija.

Base sa report ng Cabiao Police, July 23, 2023 bandang 3:20 PM, isang concerned citizen of Barangay Entablado, Cabiao, Nueva Ecija ang tumawag sa istasyon at ipinaalam na nakita nya ang mga suspek na kasalukuyang nagpa pot session sa nasabing lugar.

Kaagad namang rumesponde ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa at pagkakakumpiska ng kanilang drug paraphernalia, dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang tumitimbang ng 0.10 grams na nagkakahalaga ng Php680.00.