CUM LAUDE, ANAK NG PASTOR; MGA NAPAGDAANAN SA BUHAY, HINDI NAGING HADLANG SA TAGUMPAY
Itinuturing ni Pastor Felix Santua na pinakamalaking tagumpay sa kaniyang buhay ang pagtatapos bilang “Cum Laude” ng kaniyang nag-iisang anak.
Ibinahagi niya ang kwento ng kaniyang mga karanasan at tagumpay sa buhay sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman nitong Sabado, July 22, 2023.
Katulad ng ibang mga tagapaglingkod sa Panginoon, ay marami rin napagdaanang pagsubok si Pastor at kabilang na rito ang pagiging malapit niya sa bisyo noong mga panahong siya ay nag-aaral pa.
Lumayas din daw siya sa kanilang tahanan matapos magalit sa kaniyang magulang sapagkat hindi muna siya nito pinag-aral ng kolehiyo, at pinagtapos muna ang kaniyang mga nakakatandang kapatid.
Ngunit dumating aniya ang panahon na hindi na niya kinaya, kaya’t umuwi siya sa kanilang tahanan.
Matagal na umanong nananampalataya ang kaniyang Ina sa Panginoon, at doon nagsimula ang pagiging aktibo rin niya sa simbahan at ang pagtawag Ng Panginoon sa kaniya para sa isang tungkulin.
Kwento ni Pastor na maraming naging mabuting epekto sa kaniya ang pagtawag ng Panginoon, kabilang na nga rito ang pagkakaroon niya ng kompiyansa sa sarili, ang patuloy na pagkakaroon ng bagong kaalaman, ang tuloy tuloy na pag-usbong ng Ministry, at ang pagsalin ng mga tungkulin sa kaniyang apo sa pamangkin na susunod na Pastor.
Sa kasalukuyan, ay mayroon siyang inaasikaso na sampong churches sa Nueva Ecija at Nueva Viscaya, at kaniya itong ipinagpapasalamat sapagkat sa kabila ng pagiging abala sa iba niyang trabaho ay nagagampanan pa rin niya ang kaniyang tungkuling maglingkod Sa Diyos.