PROYEKTO KONTRA BAHA SA NUEVA ECIJA, HIHINGAN NG PONDO NI GOV. OYIE SA OFFICE OF CIVIL DEFENSE

Aprubado sa 21st Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang kahilingan ni Governor Aurelio “Oyie” Umali para sa endorsement at suporta sa request sa Office of the Civil Defense Hon. Ariel F. Nepamuceno, para mapondohan ang iba’t ibang prayoridad na proyekto para sa flood control at asset preservation para sa lalawigan.

May kabuuang Php500, 000, 000 ang kakailanganing pondo para sa mga pagawain na ito para sa mga bayan ng Bongabon, San Leonardo at Jaen.

Ayon kay Engr. Arturo Averilla, Engineer IV ng Provincial Engineering Office, ang kabuuang halaga na ito ay hahatiin sa dalawang proyekto.

Ang Php300, 000, 000 ng kabuuang hihinging pondo ay dadalhin sa rock netting projects sa Calaanan, Bongabon para mapigilan ang pagbagsak ng bato sa mga kalsada.

Habang ang Php200, 000, 000 naman ay hahatiin para sa paglalagay ng mga slope protection na may sheet files at may kasamang concrete lining sa mga Barangay Burgos, San Anton at San Roque ng bayan ng San Leonardo at Magsalisi sa bayan ng Jaen, along Pampanga River.